Ang atake sa pamamagitan ng apoy
1. Sabi ni Sun Tzu: lima ang paarang umatake sa pamamagitan ng apoy. Primero: sunugin ang mga sundalo sa kanilang kampo. Segundo: sunugin ang mga almasen. Tercero: sunugin ang sasakyan na may dalang bagahe. Kuwatro: sunugin ang mga sandata at bala. Singko: magtapon ng apoy sa kalaban.
2. Para makaatake, kailangang maging handa. Dapat laging nakahanda ang mga materyales para gumawa ng apoy.
3. May tamang panahon para umatake sa pamamagitan ng apoy, at may natatanging araw para magsimula nito.
4. Tamang panahon kapag tuyong-tuyo lahat; sa buwan nakikita kung ano ang mga natatanging araw – tignan kung kailan palakas ang hangin.
5. Kung sunog ang ginagamit para umatake, dapat handa ka para sa limang puwedeng mangyari:
6. (1) Kung magkaroon ng apoy sa loob ng kampo ng kaaway, atake kaagad mula sa labas.
7. (2) Kung magkasunog sa kampo, pero tahimik ang mga sundalo ng kaaway, hintay ka muna at huwag umatake.
8. (3) Kapag nasa sukdulan na ang apoy, sundan mo kaagad ng atake kung makakaya mo; kung hindi, huwag kang kumilos.
9. (4) Kung posibleng magsimula ng sunog mula sa labas, huwag mong antayin na magsimula ito sa loob, kundi umatake ka kapag tama ang timing.
10. (5) Kung magsimula ka ng apoy, dapat doon ka kung saan galing ang hagnin. Huwag kang umatakeng kontra sa hangin.
11. Hangin na lumalakas sa araw, tumatagal. Ihip ng hangin sa gabi nawawala.
12. Sa bawat army, dapat alam ang limang puwedeng mangyari sa apoy, pag-aralan ang magiging panahon at hangin para sa tamang araw.
13. Kaya ang gumagamit ng apoy para umatake, matalino, ang gumagamit ng tubig para umatake, lumalakas.
14. Sa pamamagitan ng tubig, mapipigil ang kaaway, pero hindi siya mahihiwalay sa lahat ng kanyang pag-aari.
15. Malas ang kapalaran ng nagnanais manalo sa labanan at paglusob pero hindi nagtuturo ng katapangan; dahil nasasayang lang ang oras at walang nangyayari.
16. Kaya may kasabihan: ang pinunong malawak ang kaisipan, nagpaplano ng pangmatagalan; ang heneral na sanay, inaalagaan ang kanyang mga resources.
17. Huwag kang kumilos kung wala kang bentaha; huwag mong gamitin ang puwersa mo kung walang makukuha; huwag kang lumaban kung hindi mahalaga ang posisyon.
18. Walang pinunong dapat maglabas ng puwersa sa labanan para magpasikat; walang heneral na dapat lumaban dahil lang sa pagkapikon.
19. Kung makakalamang ka, umabante ka; kung hindi, huwag kang kumilos.
20. Ang galit, maaring maging kasiyahan pagdating ng panahon; pagkaasar, maaring maging pagkakuntento ang kasunod.
21. Pero hindi mababalik ulit ang isang bansang tuluyang nawasak; hindi rin maaring buhayin ulit ang mga patay.
22. Kaya ang pinunong malawak ang kaisipan, mapag-intindi, at maingat ang mabuting heneral. Sa ganito payapa ang bansa at buo ang kanyang puwersa.
Irineo B. R. Salazar, München, 26. September 2015