ang tanong ko sa panahon na ito. Simpleng alitan sa trapik patayan na (link). Ano ba iyan, basta na lang magalit ka sa tao sa trapik dahil sa munting alitan, papatayin mo na?
Sa ibang pangyayari, tinatanong naman ni Sec. Aguirre sa taongbayan kung “sino ang isusunod” (link) kay De Lima. Kung ang mga supporter ng Presidente galit sa isang tao, “isusunod” na nila – sa anumang paraan?
Itanatanong ng iilan doon kung tao pa ba ang mga adik. Ang tanong ko naman, tunay na tao pa ba ang mga nagtatanong ng ganyan? Tao sa mas malalim na kahulugan, taong may kaluluwa, hindi mamatay-tao.
Ano naman iyang sinabi raw ni Sandra Cam sa rally kahapon: “masarap ang pumatay at mamatay para sa bayan” (link)? Sino bang nasasarapan sa pagpapatay kundi mga baliw, o kaya aswang at zombie?
May mga adik nga na parang mga aswang o zombie na wala nang kinikilala. Pero tila nawawalan na rin ng kaluluwa ang maraming “normal na tao” diyan sa Pilipinas. Bakit kaya? Hindi ko masabi. Nakakalungkot na.
Irineo B. R. Salazar
München, ika-26 ng Pebrero 2017