Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Hanggang Pier Lang

$
0
0

Sopot molo 2004ang mararating sa pagbubuhat ng sariling bangko – sabay paninira sa iba. Dahil walang magbabago sa ganyan. Walang tren o riles o elektrisidad ng MRT na maaayos. Walang mahihirap na mabibigyan ng hanapbuhay at pag-asa sa buhay. At hindi rin aasenso ang isang administrasyon na umaasa sa proyektong nasimulan ng iba. Buti pa si Presidente Marcos – kahit na marami akong ayaw sa kanya – na marunong mamili ng mga magagaling na technocrat para iplano at isatupad ang kanyang mga proyekto.

Kulang sa pansin ang dating ng mga nagpadami ng boto sa Time Magazine online poll para mauna si Presidente Duterte. Siguro kung padamihan ng tao, matatalo ng Tsina o kaya India ang Pilipinas kung gugustuhin – pero bakit nila ito kakailanganin? Kahit Indonesia mas maraming tao, pero wala din silang panahon sa papogi na ganyan.

Ang Tsina, kayang-kaya ang Pilipinas. Ang India, may sariling space program, hindi kaya ng Tsinang hamunin sa sariling teritoryo. Indonesia matatag din na bansa.

Ang Pilipinas naman ano? Iilang nakabarko na Abu Sayyaf hirap na. Magaling pumatay ng mga pusher at adik sa kalye na payat na payat na. Opo lang ng opo sa Tsina. Minura ang Presidente ng Amerika, ngayon naman tuwang-tuwa na baka bumisita ang bagong Presidente sa susunod. EU de puta, ang EU minumura ng minumura daw. Pero hindi naman pinapansin ng EU. Baka ako lang ang manghinayang kapag nagmahal ang dried mangoes galing Pilipinas, kung sakaling tataas ang import duties.

Ano ang Pilipinas na nakikita ng mundo ngayon? NAKAKAHIYA. Parang mga siga sa kanto na nasobrahan ng Ginebra at pasigaw-sigaw. Baka nakashabu na rin sila kaya akala nila sila na ang hari ng mundo. Matitinong tao nakatago sa loob ng bahay. Baka bumaba lang ang krimen dahil maaga ang uwi ng mga tao ngayon. Takot matokhang.

Anong maipapakita ng Pilipino sa mundo ngayon? Wala. Alila pa rin ng mundo. OFW at BPO, pera sa labas. Sa panloloko sa sarili, walang mararating. Sana magising na.

Irineo B. R. Salazar, München, 21 ng Abril 2017

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles