Paumanhin
Hihingi muna ako ng tawad sa aking ama pagkat inaangkin ko iyong titulo ng kanyang artikulo noong panahon ng 1970s Constitutional Convention. Lalong humihingi ako ng tawad dahil hindi ko binasa iyong artikulong iyon dahil tinatamad ako. O ngayon, alam na ninyo na kahit may pagka-dalubhasa ito, huwag na huwag ninyong seryosohin lahat. Pagkat hindi ako Propesor tulad ni Tatay, hindi ako Dr. tulad nang kapatid ko, sa aming tatlo ako ang parang dropout. Isang Erap na intelektuwal na walang ginawa kundi magbulakbol, Erap para sa mahirap umintindi..
Ano ba ang pinag-uusapan natin?
Bakit ba tayo may CONSTITUTION? Ano ba iyan? Saligang Batas ang tawag sa Pilipino. Saligan? Ang lalim na salita huhukayin mo pa. Ang Saligan ay Pundasyon. O iyan, pundasyon ng mga batas. Ano naman ang konstitusyon? Iyong kabaligtaran ng diarrhea? Hindi ah! Itanong natin kay Joe, ating titser na Kano:
http://dictionary.reference.com/browse/constitution – these are possible definitions of the word constitution:
- the system of fundamental principles according to which a nation, state, corporation, or the like, is governed. Anong prinsipyo? puro tayo lusot-lusot…
- the document embodying these principles. sa dokumento, sa technicality, magaling tayo!
- (initial capital letter) Constitution of the United States. di natin kailangan iyan, may sariling atin tayo!
- the way in which a thing is composed or made up; makeup; composition: the chemical constitution of the cleanser. magaling tayong mag-makeup, itago ang squatter di ba..
- the physical character of the body as to strength, health, etc.: He has a strong constitution. matatag ba ang estado natin? Ewan…
- Medicine/Medical, Psychology. the aggregate of a person’s physical and psychological characteristics. Kung tulad ni Brenda ang estado natin, patay tayo.
Nasaan tayo ngayon?
http://www.gov.ph/constitutions/1987-constitution/#preamble – heto ang Preamble ng Constitution natin:
We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.
wow, ang gandang pakingan! Pero simulan na natin sa “just” – hindi iyong just-just na babae, huwag madumi ang mga isip ninyo. Ang “just” ay makatarungan. Makatarungan ba ang Pilipinas? Ang susunod, “humane” o makatao. Makatao ba ang Pilipinas? Apat na milyon daw ang nakatira sa slum area ng Metro Manila sa nabasa ko. Onse milyon ang buong populasyon. Ibig sabihin, sa bawat tatlong tao sa Metro Manila, isa iskwater. Huwag nang pagandahin na urban poor – kawawang iskwater talaga. Pero huwag kayong umasang umupo sa isang meeting room sa Makati o sa Bonifacio Global City at mag-count-off: Reyes, Santos, Garcia – Garcia pangatlo ka jologs ka. Hindi ganyang kadali. Kahit bayaning pang-manggagawa daw si Bonifacio, may pagkasosyal noong araw iyong trabaho niya. Sa isang kumpanyang Aleman siya nagtatrabaho. Kaya medyo sosyal din siya, kasing sosyal ng mga call center worker ngayon. Mga maingay magsalita sa Istarbak…
Magbiyahe muna tayo!
Nasaan na ba ako… kung sa simula pa lang, hindi natin isinasagawa ang Constitution natin, paano ito magiging Saligang Batas – o Pundasyon ng lahat ng mga batas natin? Nagtatataka pa ba tayo na hindi tayo sumusunod sa batas, kung mali ang pundasyon ng mga batas natin. Ano kaya ang solusyon para rito? Tumingin tayo sa ibang bansa, tapos balik tayong Pinas. Parang OFW…
Sa Switzerland muna tayo. Naku malamig. Pero marami daw Pilipino sa Geneva doon sa UN. Hindi tayo doon pupunta. Doon tayo pupunta sa lugar ni Wilhelm Tell. Sino iyon? Isinalin ni Rizal ang Wilhelm Tell sa Tagalog pero hindi ko rin nabasa. Tamad talaga. Pero gawa nang nasa Alemanya ako, ako na ang gumawa ng sariling pagsasalin. Patawad po Dr. Jose Rizal, hindi ko uulitin:
Ninanais nating maging sambayanan ng magkakapatid
Na hindi magkakahiwalay ni sa panganib ni sa kasawian
Ninanais nating maging malaya, tulad ng ating mga ninuno
At mas ninanais nating mamatay kaysa mabuhay bilang alipin
Ninanais nating magtiwala sa kataastaasang Panginoon
at kahit kailan hindi magpapasindak sa kapangyarihan ng tao
Aba astig pakingan! Ano iyan? Panata ng mga Swiss matapos na patayin ang kanilang mga mang-aapi. Pinana ni Tell si Gessler. Parang NPA yata. Pero hindi rin. Dahil iyong tatlong tribong nagpanata ang nagsimula sa Switzerland. 700 na mahigit na taon nang isang sambayanan. Panatang wagas, parang Lord of the Rings.
Dalawang oras mahigit ang biyahe papuntang Turkey. Bisitahin natin si Mustafa Kemal Atatürk. Ama ng mga Turko.
Anim na pana ang tawag sa kanyang pananaw na para sa Estado. Hanggang ngayon itinuturo sa mga eskuwela:
Republikanismo – republikang demokratika at sibiko
Populismo – pagsisilbi sa tao ang higit sa lahat
Laisismo – walang pakialam ang iglesia sa estado
Reformismo – unti-unting pagpapabuti sa sistema
Nasyonalismo – malaya ang bansa
Estadismo – estado ang tumutulak sa pag-unlad
Aba para yatang Marcos ito. Mali! Si Atatürk, disiplinado. Hindi nagdiktadura. Kahit militar siya. Hindi nangurakot. Kahit babaero siya.
Balik tayong Pilipinas. Sa Quezon City. Bakit doon ang tagal sa trapik? Kasi pupunta tayong Quezon Memorial. Para maalala natin si Quezon na babaero din.
Siya ang masasabing nagtayo ng estadong Pilipino. Pati 1935 Constitution masasabing responsibilidad niya. Pati COMELEC nagsimula noong panahon niya.
Binago rin ang Constitution para puwede siyang tumakbo nang pangalawang beses. Cha-Cha pala noong araw pa. Hindi pa Mambo Magsaysay 1950s iyon.
Pero meron din siyang ipinalabas na Code of Ethics. Walang kinalaman sa Mathematics. Asal ang pinag-uusapan: http://malacanang.gov.ph/4376-the-code-of-ethics/
Aba nasa webpage pa ng Palasyo. Di napakaganda na siguro ng asal nating lahat? Pero nakalimutan yatang ituro sa mga eskuwela.
Hindi rin orig na gawa ni Quezon ito, cover version lang ng Dekalogo ni Mabini. Na siguradong hindi marunong mag-Cha-Cha o mag-Mambo.
http://tagaloglang.com/The-Philippines/History/ang-dekalogo-ni-apolinario-mabini.html Tignan natin kung ano ang nasa Dekalogo:
Ibigin mo si Bathalà at ang iyóng̃ kapurihán nang higít sa lahát ng̃ bagay.
Sambahín mo si Bathalà, nang ukol sa lalong̃ minamatuwíd at minamarangal ng̃ iyong̃ budhî.
Palusugín mo ang mg̃a piling̃ kayamanan na ipinagkaloób sa iyó ni Bathalà.
Ibigin mo ang iyóng̃ bayan ng̃ sunód kay Bathalà, sa iyóng̃ kapurihán, at higit sa iyóng̃ sarili.
Pagpumilitan mo ang ikagiginhawa ng̃ iyóng̃ bayan bago ang kaginhawahan mong̃ sarili.
Pagpilitan mo ang pagsasarilí ng̃ iyóng̃ bayan.
Huwag mong̃ kilalanin sa iyóng̃ bayan ang kapangyarihan nino mang tao na dî mo pilì at ng̃ iyóng̃ mg̃a kababayan.
Pagpilitan mo na ang iyóng̃ bayan ay magíng̃ isáng̃ República at huwág mong̃ tulutan kailán mang magíng̃ Monarquia.
Ibigin mo ang kapwà nang gaya ng̃ pagibig mo sa sarili.
Laging̃ titignán mo ang kababayan ng̃ higit ng̃ kauntî sa iyóng̃ kápuwá.
Aba, lumang Tagalog, pero hindi naman mahirap maintindihan.
Iyong Facebook Page naman ng Atty. Leni Gerona-Robredo for Vice President Movement: https://www.facebook.com/groups/741505089197809/?fref=ts, ang ganda ng motto, sinabi ni Leni at halos kasing ganda niya: Go to the people. Learn from them. Love them. Start with what they know. Build with what they have. But with the best leaders, when the work is done, the task accomplished, the people will say “We have done this ourselves”.
Anong gagawin ngayon? Sinong gagawa?
Sa tao dapat manggaling ang panata ng bayan, ang pundasyon o saligan ng republika. Kung naituro siguro sa lahat ng tao ang talagang ibig sabihin ng 1987 Constitution, naisaloob na nila sa halos 30 na taon, isang henerasyon. Pero hindi pa yata, dahil Preamble simula pa lang wala sa realidad ngayon. Hindi ibig sabihin na gigibain natin ang banal na Konstitusyon ng 1987. Kilala ng Nanay ko si Father Bernas na isa sa mga nagkontribusyon. Matalinong Jesuit. Hindi Padre Damaso, hindi talaga. Pero ano ngayon ang gagawin natin?
Ewan ko ba sa inyo. Hindi naman na ako sa Pilipinas nakatira. Bahala kayo, dahil kayo ang dapat mag-isip-isip tungkol diyan. Kayo ang nasa iisang barko, iisang tahanan ng sambayanan. Anong mga paninindigan ang mahalaga para maayos ang pakikisama ninyo sa isa’t-isa sa loob ng barko o tahanan? Ano ang dapat tuparin ng bawat isa para malinis ang mga pinggan, may madadaanan papuntang banyo at kubeta, walang basura na kung saan-saan? Pareho-pareho ba ang magiging karapatan, o iba ang karapatan ng mga katulong at sikyo? Kayo ang bahala.
Sa taas, may mga prinsipyo na makukuha sa panata ng mga Swiss, sa anim na pana ni Atatürk, sa Dekalogo ni Mabini. Tignan din ninyo ang 1987 Constitution, pero sa totoo lang, hindi ko rin iyan nabasa dahil ang haba talaga. Mabuti pa iyong Swiss Constitution, madaling basahin kahit ngayong moderno na. Pero ang ugat pa rin niya, panata ng tatlong tribo na nagrebelde sa kabundukan. Hindi sila Balweg ang pinag-uusapan dito kundi si Wilhelm Tell. Kaya pag-isipan muna kung ano ang mahalaga sa una. Puwede kayong magproposal dito. Kung may tanong kayo, sasagutin ko.
Irineo B. R. Salazar
25. October 2015, München