sigaw ng manyakis sa mga babae bago siya umalis – noong bandang 1975 ito sa harap ng UP Swimming Pool. Uso na yata (link) sa iilang babaeng OFW ang panalitang halos ganoon: The west use tissue to wipe their “pekpek”. The Filipina used tabo. There now you know why the Filipina “pekpek” smells so good. We do it the Asian way”. Ang itinutukoy pa man din, iyong si Dr. Agnes Callamard ng UN na kabibisita lang sa Pilipinas. Ang ambassador naman ng Pilipinas sa UN, ganito ang isinulat (link): I was right after all and people thought I was flippant: never argue with people who don’t shower at least twice a day. It clears the mind. Buhok kaya ni Dr. Callamard ang itinutukoy niya? Parang bagong gising nga tignan, pero ganyan talaga ang buhok ng maraming dalubhasang pranses, style nila. Sana iyon lang – pasalamat po tayo na may class at diplomasya si Ambassador Locsin.
Balik tayo sa istorya ng manyakis sa UP. Lumalabas kaming mga bata sa swimming lesson. Bigla siyang tumayo sa harap namin at nagsabi ng “gusto niyong makita ang titi ko – heto!” sabay labas ng titi sa pantalon niya. Hindi namin alam kung ano ang magiging reaksiyon namin. Pero noong araw, bandang 1975/74/76, parang inosente pa ang Pilipinas. Totoong may bold movies na. Tuwang-tuwa ako noong lumabas iyong cover ni Rio Locsin sa Philippine Panorama na naka malaking T-shirt lang siya.
Ngayon Mocha na, boring sa kabataan ngayon siguro ang kaaliw-aliw para sa amin noon, halos iyon na ang suot ng marami. Pero saan ito lahat napapunta? Sabi ni Dr. Sigmund Freud: (link) – Der Verlust von Scham ist das erste Zeichen des Schwachsinn. Anong isprakenheit iyan? Sige Pilipino na: unang babala ng pagiging tanga ang nawawalang hiya. May mga preso raw sa Pinas, siraulo na sa tagal ng pagkakulong, kapag may nakita silang babaeng dumaan nagjajakol na sila kaagad sa harap.
Pananalitang “na-ano lang” at “dapat Mayor ang mauna”, pang-Senador at Presidente na yata ngayon, hindi lang para sa nag-iinuman sa may kanto. Iyong mga pagkilos namang panahon nila Maria Clara, sobrang ipokrito talaga – pero huwag din naman sana mapunta sa ugali ng mga aso sa bakuran ang ugali ng kasalukuyang Pilipino. Sa bagay, uso na ngayon iyong kulungan na parang babuyan, o kaya kung hindi, gusto ni Bato na itali na lang ang mga taong hinuli sa poste (link) na parang mga kambing.
Anak ng tupa, paano ba iyan? Si Leni Robredo, plastic daw (link) – tingin ko friendly lang talaga ang natural niyang ugali. Tulad ng natural yata kay Mocha ang mukhang masungit at matapang, palibhasa hindi niya maintindihan ang ugali ni Leni plastic o peke na kaagad iyon? Pilipinas ngayon, ganyan. Gusto ko na bang umebak o umihi?
Irineo B. R. Salazar, 7 ng Mayo 2017, Munich