Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Binaril iyong Pranses

$
0
0

Title- Executed (6211517393)noong Dec. 30, 2018 sa harap ng Rizal monument. “Subrang bait ni Rizal” sabi ng Pangulong Duterte “nagtiwala masyado sa puti, o – siya pa ang pinatay!”. “Itong si Aquino, ganyan din, parang si Ibarra na subra ang tiwala sa Western solutions, ayan, niluko siya nitong mga Sanoping gago!”. Tuloy-tuloy magsalita ang Presidente, nakakapagtaka. “tayo ngayon, hindi na. Halimbawa iyang ebi-ebidensiya na iyan, kailangan lang ng mga Westerner iyan dahil mas tanga sila kaysa sa atin! Tayo, naamoy natin kung may maling ginawa ang tao”. “Mga konyo tulad ni Aquino, hindi na”.

“O, bakit laging mali si Presidente Aquino?” sabi ni Duterte. “Sa Mamasapano, sa Sanopi, kahit saan!”. “E tayo, alam natin, ramdam natin”. “Di ba nalaman sa imbestigasyon tungkol sa van doon sa Mandaluyong noong isang taon, may kinalaman pala sa druga iyong mga nasa loob?” Hinaplos ni Duterte ang kanyang pisngi. “O iyan, di tama naman pala ang mga barangay tanod at mga PNP!” “Pasalamat tayo kay Secretary Aguirre na magaling mag-imbestiga.” (Palakpakan). “Kaya ngayon, bakit pa natin kailangang magpunta rito si Calamaris? Bias naman talaga iyan mag-imbestiga!”.

“Tayo kapag pumapatay, para sa kinabukasan ng mga anak natin. Kaya ang Westerner, huwag makialam! Si Lapu-Lapu ba humingi ng permiso sa UN at EU bago patayin si Magellan? Hindi!” “Putangina talaga.” Patingin-tingin ang Pangulo sa kanyang mga panauhin. “Kasi parang amoy iyan. Iyong mga Westerner, kailangan pa ng ebidensiya dahil wala silang pang-amoy. Kaya sila ang baho ng kilikili, tayo malayo pa lang amoy na natin”. “Tulad ni Calamaris na iyan, sa itsura pa lang niya, alam ko na mabaho puki ng Pransesa na iyan.” (Tawanan). Biglang naputol ang livestream..

At napalitan ng isang video ng pagpapasabog sa aircraft carrier Liaoning malapit sa may Palawan. Matagumpay sila Anselmo sa kanilang misyon. Patago nilang nakarga ang tatlong Exocet missile mula Samar hanggang sa may Palawan. Papalit-palit ng barko, minsan pasimple pa nga sa ilalim ng mga kalawangin na passenger ship sa may Mindanao, minsan naman mabilisan sa gabi, sa loob ng mga speedboat. Sa bandang huli, ikinarga at inihanda sa may bundok at inabangan ang Liaoning. Kilalang missile ang Exocet sa pagwasak ng mga barko, maliit, mabilis at malakas ang pagsabog.

Isa sa gitna, isa sa harap, isa sa likod. Akala ng mga Tsino ligtas sila dahil jammed nila ang GPS at hawak nila ng Ruso ang Glonass, pero sistemang Galileo ang ginamit ng missile para hanaping ang kanyang destinasyon, sa tulong ng maliliit na drone. Isa ring maliit na drone ang kumuha ng video sa pagwasak ng aircraft carrier. Iyong pag-hijack sa Facebook Live ng Malacanan, ibang istorya. Nagulat ang PCOO, akala kasi nila sagot sila ng China Telecom – pero may taga-Pasig na nakalusot. Biglang itinigil ang hijacking para hindi matrace. Bumalik sa ngangang Pangulo ang livestream.

Pawis na pawis tignan si Andanar – habang naghahanap ng paliwanag kay Presidenteng galit na galit. Si Mocha naman, ang laki ng mata sa pagkagulat sa nangyari – habang nakaupo lang sa may kalsada. Dumilim ang livestream ng PCOO. “Buti nga!” Tumawa si Ricardo. Nakasakay sila ni Anselmo sa speedboat papuntang Puerto Princesa. Doon sa malapit bumaba. Pasimpleng nag-bus papuntang port. May ticket na sila sa barkong papuntang Maynila. Napakagulo ng halos tapos nang naging taong 2018. Malayo pa sa kaligtasan ang bayan. Hindi pagdiriwang ang pupuntahan nila.

Sana naman huwag maging ganyan ang 2018. O ganito (link) – o kaya naman ganito (link).
Happy New Year mula sa Munich galing kay Irineo B. R. Salazar, ika-30 ng Disyembre 2017.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles