Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Lakas-loob Pilipinas!

$
0
0

Mona Lisa, by Leonardo da Vinci, from C2RMF retouched

Mona Lisa na galing Renaissance

Sa tagal-tagal ko rito sa Europa, madalas kong pag-isipan kung bakit kaya sila maunlad at tayo hindi. Sa bandang huli, may tatlo silang panahon na pinagdaanan na nakabuti sa kanila.
  1. Ang Muling Pagsilang o Renaissance. Dito natuklasan ulit ng mga Italyano ang kultura ng kanilang mga ninunong mga Roman, matapos ng iilang dantaon ng pagiging ignorante. Bumalik ang kanilang pride sa nagawa ng mga ninuno, kaya lumakas ulit ang loob nilang gumawa ulit – magsulat, mag-arts, magtayo ng mga magagandang building at iba pa.
  2. Ang Repormasyon o Reformation. Dito nagalit si Martin Luther, isang paring Aleman, simpleng tao, sa pagka-ipokrito ng Iglesiang Katoliko. Hinamon niya ang mga matataas at nagtayo ng sariling Iglesia ng mga Protestante. Lalong lumakas ang loob ng mga tao, dahil hindi na mahalaga kung sinong may rango ang nagsasabi ng isang bagay, kundi ang katotohanan lamang.
  3. Ang Kamulatan o Enlightenment. Dito nagsimulang mag-isip at mag-diskusyon ang iilan kung bakit nasa puwesto ang mga hari at iba pa, at kung ano ang mas magandang mga paraan para sa pamamalakad ng mga bayan sa Europa. Lumakas lalo ang loob ng mga taongbayan para ipaglaban na meron silang mga karapatan, at kasali rin sila sa pagdedesisyon para sa bayan.

Minsan parang hindi dumaan ang Pilipinas sa tatlong development na ito. Siguro gawa ng mga Kastila at prayle na humawak sa atin, na nasa Dark Ages pa ang mentalidad. Makaluma:

  • Ang daming Pilipinong hindi pa rin aware sa tunay na kasaysayan ng Pilipinas bago dumating ang Kastila. Kaharian ng Tundo, Butuan, Ma-i (Mindoro) at iba pang kaharian natin dati.
  • Ang daming Pilipinong takot pa rin at tulala kapag may mataas na tao kunong nagsasalita, minsan basta na lang sinusundan at pinaniniwalaan kahit kalokohan ang sinasabi.
  • Ang daming Pilipinong basta na lang tumatanggap na ang matataas ay may karapatang mamuno, at walang magagawa ang taongbayan – maliban sa magreklamo.

AlDub (Photo: Inquirer)

Hindi pa naman huli ang lahat. Marami nang mga Pilipinong dumadaan ngayon sa mga Phase 1-3. Curious sa dati nating kultura. Hindi basta-basta naniniwala sa makapangyarihan.

Nagsasama-sama para alamin ang mahalaga para hindi na kawawa ang mga taongbayan – grupong migrante, grupong sibiko, grupong Freedom of Information, grupong anti-corruption.

Malaki ang papel ng Internet sa mga pagbabagong ito, pati na ng henerasyon ng mga Millenials na mga “Digital Natives” – mga katutubo ng Internet, gamay nila ang social media at lahat. Confident ang dating nila Alden Richards at Maine Mendoza sa AlDub, at nagagamit ng mga kabataan ang Internet para doon, kaya bakit hindi i-apply sa iba pa?

Lakas-Loob Pilipinas!

Alamin ang pinanggalingan para makarating sa kinaroroonan. Huwag masindak sa nagpapaimportante o nagmamarunong. Magsama-sama para isagawa ang mga ipinapangarap.

Irineo B. R. Salazar, München, 22. November 2015


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles