Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Diyos ko Lord!

$
0
0

Temptation Adam Evasabi ni Rico. “Bakit naman?” sagot ni Manny. “Iyong sinabi ni Duterte na bobo raw ang Diyos”. “Totoo naman ah, bakit niya pinalpak ang kanyang ginawa, tayong mga tao. Bakit ganito tayo. Hindi tayo ginawang mga Superman?”. Pumasok sa kusina si Ryan. “Anong kalokohan iyan?” sabi niya. “Kulang pa yata kayo sa kape”. Linggo ng umaga tila may hangover pa ang magkakaibigan, tulog pa iyong isa sa sofa. “Gisingin natin si Winston” sabi ni Manny. “Huwag, patulugin pa natin”. “Baka naman hindi lang halatang gising ang Intsik na iyan” sabi ni Rico. Tumahimik ang tatlo.

“Tama naman si Duterte” sabi ni Manny. “bakit tayo ginawang makasalanan ng Diyos tapos siya pa ang magbibigay ng parusa. Sadista yata”. “Tulad ng Lodi mong si Duts kung ganoon” sagot ni Rico. “Ulol, dilawan! Masyado kang bilib sa simbahan mong iyan. Dinala lang iyan ng mga Kastila rito para gawin tayong mga duwag at masunurin. Puro na lang opo sir, opo haciendero, opo prayle”. Naglabas si Ryan ng tinapay at peanut butter. “Kain muna kayo, usapang gutom iyan, tama na”. Sinimulan na rin niyang magprito ng kakainin nila. Tuyo, itlog at kanin, sabay bawang at sibuyas.

“Paano naging malice kaagad noong kinain ni Adam iyong mansanas?” sabi ni Manny. “Saging na lang” sagot ni Winston habang medyo nagigising. “Kabaklaan iyan, matulog ka ulit”. “Ummm..”. Lumabas si Ryan sa kusina para pumuntang CR. “Hindi naman malice ang kalibugan, ano kayo? “Pero ayon sa Bible, masama tayo dahil galing tayo sa tsuk-tsak” sabi ni Manny. “tama si Duterte!”. Tumayo si Rico para kumuha ng tinapay. “Pinapatawad naman ng Diyos ang original sin” sabi niya. “Si Duterte naman, walang patawad pati sa batang 10 years old, gustong i-drug-test”. Tumahimik.

“Bago dumating ang mga Kristiyano sa Pilipinas, masaya pa tayo.” sabi ni Manny. “Huwag mo lang patulan ang may asawa, basta dalaga at gusto ayos lang noon, at kung mabuntis pakasalan mo”. Naubos ang kape ni Manny, dinagdagan pa niya. “Malisya lang kung ayaw ng babae, kung rape”. “Ano ba iyang simbahan na iyan, ginagawang masama ang natural na bagay?” Bumalik si Ryan at binaba niya iyong ulam na prinito niya. Kumuha ng pagkain si Manny. “Mahirap naman kung sa libog lang idadaan lahat” sabi ni Rico. “baka magkasakit lahat, tapos di mo alam magulang mo”.

“Medyo malabo nga sa akin na pinagsasabihan tayo tungkol sa sex at pamilya ng paring bawal makipagtalik at magpamilya” sabi ni Ryan. “Pero kanya-kanyang paniniwala iyan. Kaya nga belief”. “Bilib ako kay Duterte” sabi ni Manny. “Alam na namin iyan” sagot ni Rico. “Dilawan!”. Nagising si Winston. “Ano ba na naman iyang pinag-uusapan ninyo”. “May Chinese plane na naman sa Davao” sabi ni Rico. “Bakit ako na naman ang tinitignan ninyo?” sagot ni Winston. “Magkape ka muna” sabi ni Ryan. “Magsisimba na ako” sabi ni Rico. “Lumad ako, di ko kailangan!” sagot ni Manny.

Irineo B. R. Salazar
München, 24 June 2018


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles