Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Sipain ang COA

$
0
0

Imee Marcossabi ni Digong. Tama naman siya. Bastos talaga sila. Eh pati sa gastos nila Imee nakikialam. Puwede ba iyon? Mga Marcos ang may-ari ng Ilocos Norte. Katangahan na dilawan iyang audit. Palibhasa ayaw nila na nakawan sila, eh sila ang mang-aapi sa Pilipino mula noon pa, dapat lang. Ubusin ang buwis na binabayaran nila, hanggang sila naman ang maging mahihirap tulad natin. Tayo naman ang magiging mayaman, pahappy-happy. Sila ang magtatrabaho para sa ating lahat. Tulad ng mga mayayabang na doktor na nahuli ni Tulfo sa PGH. Sa bayan na ngayon magsisilbi.

Disentery at plastication

Hindi porke’t nakapag-aral ka puwede mo nang akalain na kung sino ka. Unang-una, mas mataas ang Presidente sa lahat ng may pinag-aralan kahit na halos bumagsak siya. Ibig sabihin nito, bobo ang mga eskwulahan at unibersidad. Tinuturo lang nila ang gumaya sa kaplastikan ng mga dating amo nating mga prayle at Kano, kumilos at magsalita ng disente at educated. Putang ina talaga! Tinuruan tayo maging mga peke. Tapos itinuro ang morals-morals. E kung kailangan talagang patayin ang adik, sagabal lang ang kunsensiya na iyan. Salitang galing Kastila, di sariling atin.

Tapos iyong diskarte na educated kuno? Para lang naman iyan doon sa pelikula ni Leonardo di Caprio, iyong Catch me if you Can. Nakita lang niya sa TV na ang mga doktor, mahilig sa salitang “I concur”. Ginaya niya, tapos lahat akala doktor siya. Mga peke sila sa diyan sa US, kita niyo? Bakit naman ngayon ang aarte pa ng mga eksperto kuno ng DOH, ayaw sumunod sa judgement ni Dra. Persida Acosta? President ang naglagay sa kanya sa puwesto. Sino ba SILA para kumontra? Tanging mga Kano ang nagpasok ng idea ng equality para guluhin tayo, para pasaway na ang lahat.

Sino ba kayo?

Karapat-dapat ba na may katulong na hindi sumusunod sa amo, anak na hindi sumusunod sa magulang, Pilipino na hindi sumusunod sa Presidente? Mga bastos ang mga Pilipino na ganyan, kunyari pa silang nagpupuna lang. Ano ba ang pagpuna kundi gusto mong gawing pasaway lahat? Kaya dapat lang makulong si Trillanes. Ano ba iyang mga batas-batas na laging sinasabi ng dilaw? Noong 1521, walang batas-batas, Konsti-konstitusyon, ang mga taongbayan kay Lapu-Lapu lahat. Ngayon walang laban ang Pilipino dahil ang dilawan, hawak ng foreign power na kalaban natin.

Alam ko iyon dahil sinabi sa amin ng isang foreign power na kaibig-ibigan natin, hawak isla natin. Pero tumahimik na kayo diyan. Hindi naman talaga puwede ang COA makialam kay Imee Marcos. Mataas na pamilya ang mga ito. Hindi tulad ng mga patapon na liberal na pinasok ng mga taga-US. Hindi maaring hindi makakain ng pinakbet ang mga Marcos, kaya pagbigyan na natin sila sa pera. Huwag tayong mainggit sa masuwerte. Mas masama iyong mga ambisyosong matatakaw sa pera na trabaho ng trabaho, gustong baguhin ang kanilang nakatakdang lugar sa lipunan. Mga pampagulo!

Wala sa lugar

Pero halos hindi na nila magagawa iyon dahil wala na ang mga amo nilang Amerikano. Talunan. Kung akala ng mga Ingleserong abogado na may “equal protection clause” at hindi puwedeng si Trillanes lang ang kasuhan, kami naman ito ang sagot: mas naniniwala pa kami kay Santa Claus. Tandaan ninyo ito: babalik ang sambayanan sa kanyang tamang anyo. Bawat tao rito may lugar. Maliban sa mga ayaw tumanggap sa lugar na binigay sa kanila ng mga matataas. Wala talaga silang dapat sisihin dahil sila lang ang mga may ambisyon ni di karapat-dapat, para matahin ang bayan.

Buti pa si Manny Pacquiao, umasenso na walang pa-Harvard-Harvard tulad nitong anak ni Lugaw. Ang pag-asenso, suwerte. Hindi mapipilit iyon. Nakakabuwisit itong mga nagpapakabuting tao na akala mo santo, lalo na kung nakapag-aral at pafact-check-fact-check pa diyan, galing sa Rappler. Ayaw kasi maniwala sa husga ng mga tito at tita. Galing sa pakiramdam ito kaya likas na tama ito. Pautot lang ang mga dinadahi-dahilan pa. Tulad ng mga dahi-dahilan ni Panelo, palusot lang sila. Pero kailangan dahil sobra pang dami nitong mga dilawan: Westernized, moralized, Trillanized..


At kung ayaw ninyong maniwala sa mga tito at tita, maniwala kayo sa mga titi, sa panel discussion. Panel discussion dahil si Panelo ang nakipagdiscuss kay Digong. Kasama nila ang mga banga na puno daw ng asin at suka, para sa mga kakainin ni Digong kung gusto niya. Wala ring bigas doon? Wala po, sabi nila itinatago daw ng mga dilawan. Kinain lahat ni Franklin Drilon. Kawawa tayo! Pero tandaan ninyo, better eat bukbok than read a book. At ito pa: “Ignorance is Blessed”. Hindi uso noong 1521 ang nagmamarunong, kaya nanalo si Lapu-Lapu. Hindi si Trillanes, Magellan pala.

Irineo B. R. Salazar
München, 17. Sept. 2018

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles