Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Pilipinas – Saan Patungo?

$
0
0

Philippine FoodQuo Vadis Philippines ang una kong artikulo dito sa blog na ito. Latin ang titulo, Ingles ang nilalaman. Magmula sa Latin at Ingles, Pilipino naman ngayon.

Limang modelo ng pamumuno ang nakikita ko sa limang kandidato sa pagka-Presidente. Tignan natin sila:

  • Si Binay parang isang katutubong datu, iyong kanyang mga sister cities parang mga alyansa ng mga datu noong araw – Raiding, Trading, Feasting
  • Si Duterte tila parang si Raja Mangubat sa teleseryeng Amaya, pero ang kanyang Federalism parang Kahimunan ng mga Lumad
  • Si Santiago naman, awtoritaryo at tradisyonal, ang kanyang pag-iisip mana yata sa mga batas na galing pa sa mga Kastila
  • Si Roxas naman, technocratic, tila gusto niyang tapusin iyong sinimulan ng mga Amerikano noong panahon nila
  • Si Poe, visionary – kaya lang para siyang prophet na kulang pa ang exact definition ng kanyang nais para sa bayan

Mukhang confused ang bayang Pilipino, hindi alam ang patutunguan. Apo ng Espanya, Anak ng Amerika, pamangkin ng Mexico at pinsan ng Cuba at Puerto Rico. Dalawang tanong:

  • Paano ang magiging pagsasama ng mga bahagi ng sambayanan? Sentralista ba (Santiago), Decentralized (Roxas) o kaya Federalism (Duterte)?
  • Paano itutugma ang panahon na moderno sa lumang kulturang Pilipino? Kung baga sa Lambanog at Coke, gaanong karami ang ihahalo sa baso?

Ewan ko ba. Desisyon ng mga nasa Luzviminda iyan. Ano sa palagay ninyo ang maganda?

Irineo B. R. Salazar, München, 13. February 2016

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles