puwede raw ipalit ang puwesto sa Luneta, sabi ni Freddie Aguilar. Disappointed ako kay dating idol. Bakit hindi rin ipagpalit si Bonifacio sa isang kambing, doon sa Monumento? Sa bagay, sabi ng mga iilang nasyonalistang Pilipino na hindi raw tunay na bayani si Rizal, si Bonifacio lang. Sabi pa nga ng isang Pilipino teacher namin, binakla ni Rizal ang rebolusyon sa El Filibusterismo. Mali! Nagbigay lamang siya ng warning (link) kung anong maaring mangyari kung idaan sa karahasan lamang! Si Rizal at Bonifacio, magkakilala iyan sa Liga Filipina noong araw.
At malamang hindi naging rebolusyonaryo si Bonifacio kung hindi niya nakilala si Rizal. Siguro iyong mga ideya ni Rizal, naging inspirasyon sa kanya pero mas ginawa lang niyang bagay sa taongbayan. Atenista si Rizal at Mabini. Nagsulat si Propesor Xiao Chua (link) tungkol sa Diwa ng Katipunan – Kapatiran, Kabutihang-Loob, Kaginhawaan, Kalayaan. Para sa akin halata itong pangkontra sa mga ikinatatakutan ni Rizal o ni Padre Florentino sa El Filibusterismo – na ang mga inapi noon, maaring maging mga mang-aapi ngayon. 1891 lumabas ang El Fili, 1892 itinayo ang Katipunan.
Bakit kaya merong Ten Commandments? Alalahanin natin ang istorya ni Moses. Ano kaya ang mga ginagawa ng mga Hudyo sa desyerto noong umakyat siya sa bundok? Alam natin na sinasamba nila ang isang gintong guya (baka) – pero baka lahat na ng bawal sa Ten Commandments ginagawa din nila kaya iyon ang nakasulat doon. Huwag mag-shabu, sabi ni Tatay Digong sa mga Pilipino! Iyong mga nasa Kartilya ni Jacinto (link) mga ideyal na baka hindi rin ginagawa ng marami… XI huwag mong tignan ang babae bilang libangan lamang… huwag libangan lang ha, mga kapatid!
Walang taong perpekto, kahit na si Secretary Perfecto Yasay. Walang taong santo. Tulad ng isang babaeng nagsabi sa akin na hindi raw siya santa, hindi kapani-paniwala iyon, santita na iyon. Ako hindi ko rin gaanong gusto iyong ginagawang mga banal ang mga bayani, kahit may estatua na sila sa pedestal. Alam natin na normal na tao rin si Rizal. Palabiro pa nga. Bakit kaya nagkataong Tabo ang pangalan ng barkong nasa Pasig sa mismong simula ng El Filibusterismo? Marami sigurong sobrang nasindak kay Rizal kaya siguro gusto siyang tanggalin sa pedestal niya ngayon.
Siguro kung siya mismo ang nakatayo doon (at nakasimento pang hindi makagalaw) hindi siya magiging komportable. Normal na bata tinuruan niya sa Dapitan, Mindanao. Hindi siya matapobre. Kung ganyan siya hindi siya gagalangin nila Bonifacio. Tila mas may pagkakaisa ang iba’t-ibang Pilipino noon. Sa bagay, wala pang mga subdivision para sa mayaman at slum para sa mahirap. Kastila lang ang nakatago sa loob ng pader ng Intramuros. Pilipino na ang gumawa ng bakuran sa nakaraang 120 na taon – para ituring na iba ang kapwa Pilipino. Ngayon “pusher ako” ang uso.
Irineo B. R. Salazar, München, 17 Hunyo 2016