Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Marami ring napatay

$
0
0

Srebrenica massacre memorial wall of names 2009 2sa gyera ng dating Yugoslavia na nagsimula noong 1991. 25 years na ang simula ng pagkawatak-watak nitong dating federation (link). Mas sentralista ang gusto ng mga Serb dahil marami sila sa iba’t-ibang estado ng Yugoslavia, mas decentralized ang gusto ng mga Slovenian at Croatian. Tapos nagpataasan pa ng ihi ang dalawang pinuno ng Croatia at Serbia, si Franjo Tudjman at Slobodan Milosevic. Unang tumiwalag ang Slovenia mula noong June 27, 1991. Nakapunta ako sa banda roon mula 1998, nandoon pa sa iilang lumang bahay ang marka ng mga bala.

Ang Croatia at natirang Yugoslavia sa pamumuno ng Serbia, pinag-awayan ang mga teritoryo sa Croatia na may Serbian minority. Sa Bosnia madugo talaga dahil naandoon ang mga Bosnian mismo (Muslim), Croatian (Katoliko) at Serbian (Orthodox). Sa nakaraan galing itong pagkahati-hati. Mahabang istorya. Mula pa sa pagkahati ng Roman Empire sa Western at Eastern Roman Empire, Latin ang salita sa isang parte, Greek sa kabila, tapos iyong pagkahati ng simbahan noong 1054 sa Katoliko at Orthodox, tapos pagsakop ng mga Turko at Austrian doon sa may Balkan.

Kanya-kanyang interpretasyon siyempre ang mga iba’t-ibang panig sa kasaysayan. Hindi lang iyon, nahaluan na talaga ng kasinungalingan at black propaganda. May kasabihan rito sa Europe: katotohanan ang unang biktima kapag may gyera. Mukhang ang politika ngayon, kahit saan, gyera na rin. Ang tuluyang nangyari, madugo sa Bosnia. May pelikula tungkol rito – Savior (link) – gawa ni Oliver Stone at malapit sa talagang nangyari. Hayaan natin kung Amerikano ang bida doon, ganyan talaga kapag pelikulang Amerikano, sanay na tayo diyan di ba?

Marami akong narinig na kuwento lalo na tungkol sa Bosnia. Sa mga iba’t-ibang lahing tagaroon, na halos magka-ubusan ng lahi noong araw. Marami kasing napunta rito sa Munich, o naandito na pero hindi rin mapakali dahil may kamag-anak doon. Kahit dating magkaibigan, magkapitbahay naging kaaway o nagkalayo. Iyong mga may lahing halu-halo, kadalasan hindi na bumalik. Pero heto ang hindi ko malimutan, mula sa isang kalbo at muskulado na dating kasama sa gyera doon: “ang tao, tao. Hindi mahalaga ang relihiyon. Pulitika ang sumisira sa atin”.

Tama siya. Ang tao, tao. Gusto ko ng taong kaharap. Huwag pasanto-santo, baka banal na aso. Huwag hayop, baka patayin ako. Paano tayo matatauhan? Mahirap magpakatao. Pulitika nga ang sumisira sa tao. Kasama na doon ang pataasan ng ihi. Kasama din doon ang pagiging matakaw sa pera. Sabi ng mga Romanian: bani ochi dracul. Ang pera, mata ng demonyo. Kitang-kita ito sa kuwento ni Ma Rosa (link) na tungkol sa shabu – sa kagipitan nagsisimula lahat. Hindi kahayupan ng pagsalvage ang solusyon diyan, kundi hanapbuhay at respeto para sa TAO.

Irineo B. R. Salazar, München, ika-21 ng Hulyo 2016


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles