Quantcast
Channel: Filipino-German Learning Center
Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Sun Tzu in Filipino Chapter 7

$
0
0

Pagmamaniobra

1. Sabi ni Sun Tzu: sa gyera, nagtatanggap ang heneral nang utos sa pamahalaan.

2. Kapag nakolekta na niya ang kanyang army at naipagsama-sama na niya ang kanyang mga tauhan, dapat muna niyang itugma ang iba-ibang mga bahagi nito bago niya itayo ang kanyang kampo.

US Navy 080123-N-0535P-425 The Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Winston S. Churchill (DDG 81), left, performs an emergency breakaway maneuver during a replenishment at sea3. Pagkatapos nito, kailangan ng mataktikang maniobra – walang mas mahirap kaysa doon. Ang mahirap sa mataktikang maniobra, kung paano mo gagawing diretso ang patalikod, at kung paano mo gagawing suwerte ang malas.

4. Kaya kung mahaba at paikot-ikot ang landas mo pagkatapos ng maiwasan ang kalaban, at kahit nahuli ka pa sa kanya ginagawa mo ang lahat ng paraan para maunang dumating, diyan makikita kung marunong kang magpaikot ng kaaway.

5. Malaking lamang ang makukuha sa pagmaniobra ng isang army, delikado ang pagmamaniobra ng isang malaking grupong walang disiplina.

6. Kung ipamamartsa mo ang isang army na kompleto ang dala para makalamang, malamang mahuhuli ka. Kung isang mabilis na pangkat naman ang pauunahin mo, isasakripisyo mo ang kanyang bagahe at supplies.

7. Kaya kung uutusan mo ang mga tauhan mong itiklop ang kanilang mga diyaket, at pilitin mo silang magmartitsya na walang tigil at sa dobleng bilis sa araw at gabi ng daandaang kilometro upang makalamang, mabibihag ang lahat ng pinuno ng iyong mga dibisyon.

8. Mapupunta sa harap iyong mga mas malakas, mahuhuli iyong mga mahihina, at sa bandang huli isang kasampu lamang ng iyong army ang makakarating.

9. Kung mamartitsya ka ng isangdaang kilometro para makalamang sa kalaban, mawawala sa iyo iyong pinuno ng una mong dibisyon, at kalahati lang ng puwersa mo ang makakarating.

10. Kung mamartitsya ka ng limampung kilometro para sa ganoon din na layunin, 2/3 ng iyong puwersa ang makakarating.

11. Kaya maliwanag na talo ang isang army na walang dalang bagahe, na walang dalang pagkain, na walang dalang supplies.

12. Hindi tayo maaring makipag-alyansa kung hindi natin alam ang mga pakay ng mga bansang kapaligid natin.

13. Hindi tayo handang mamuno sa isang army na magmamartitsya kung hindi natin alam ang hubog ng bayan – ang kanyang mga bundok at gubat, ang kanyang mga bangin at panganib, ang kanyang mga lusak at latian.

14. Hindi tayo maaring makinabang sa mga natural na lamang kung hindi tayo gagamit ng mga patnubay na galing sa lugar mismo.

15. Sa gyera, magpasimple ka at magtatagumpay ka.

16. Depende sa sitwasyon kung ipagsasama-sama o hahatiin mo ang iyong mga pangkat.

17. Dapat kasingbilis ka ng hangin, at siksik na siksik tulad ng kagubatan.

18. Sa pagsalakay at sa pagnakaw maging katulad ka ng apoy, sa tatag maging tulad ka ng bundok.

19. Ang mga plano mo, maging madilim at mahiwaga tulad ng gabi, at kapag kumilos ka, tumama ka tulad ng kidlat.

20. Kapag nagnakaw ka sa isang bayan, bahaginan mo ang iyong mga sundalo; kapag may nasakop kang bagong teritoryo, bigyan mo ng lupa at negosyo ang iyong mga tauhan.

21. Magisip ka at makipagkuntsaba ka bago ka kumilos.

22. Ang sumasakop, natuto nang magpaikot. Iyon ang kasanayan sa pagmamaniobra.

23. Sabi ng libro ng paghawak sa army: sa labanan, hindi makakarating ang salita dahil maingay – kaya kailangan ang tambol at agong. Hindi rin makikita nang mabuti ang mga ordinaryong bagay – kaya kailangan ng mga bandera at senyas.

24. Tambol at agong, bandera at senyas ang nagpumumilit sa lahat ng mata at tenga upang tumingin at makinig sila sa iisang nagbibigay ng direksiyon.

25. Samakatwid, nagkakaroon ng isang diwa ang buong puwersa, hindi maaring mauna ng mag-isa ang mga matatapang, at hindi maaring tumakas ng mag-isa ang mga duwag. Iyon ang kasanayan para mabigyan ng direksiyon ang mararaming sundalo.

26. Kapag may laban sa gabi, gamitin mo ng madalas ang mga senyas na apoy at tambol, sa araw naman bandera at senyas na tela ang gamitin mo, para maimpluwensiyahan mo ang mata at tenga ng iyong army.

27. Maaring mawalan ng loob ang isang army, maaring mawala sa sarili ang isang punong kumandante.

28. Ang loob ng isang sundalo, pinakabuo sa umaga, sa tanghali medyo humihina na, at sa gabi gusto na niyang bumalik sa kampo.

29. Samakatwid, iniiwasan ng isang heneral na magaling ang isang army na buo ang loob, pero inaatake niya kapag mabagal na sila at gustong nang umuwi. Ito ang kasanayan ng pag-aaral sa kondisyon.

30. Antayin mo sa displinado at kalmadong paraan hanggang makita mong magulo doon sa kalaban – ito ang kasanayan ng pagiging kontrolado.

T-54s, T-55s, Type 59s or Type 69s at Diwaniyah, Iraq31. Maging malapit sa pupuntahan habang malayo pa ang kalaban, maghintay habang naghihirap pa ang kalaban, maging busog habang gutom ang kalaban – ito ang kasanayan sa pag-alaga ng sariling lakas.

32. Ang pag-iwas sa isang kaaway na maayos ang mga bandera, pati rin sa kaaway na nakahilera ng maayos at kampante – ito ang kasanayan sa pagaral ng sitwasyon.

33. Hindi na kailangang sabihin na huwag umabante ng paakyat sa isang kalaban, pati huwag siyang labanan kapag siya ang dumarating ng pababa.

34. Huwag habulin ang isang kalaban na nagkukunyaring tumatakas, huwag lusubin ang mga sundalong buo ang loob.

35. Huwag lunukin ang pain na inaalok ng kalaban. Huwag makialam sa isang army na pauwi.

36. Kapag pinaligiran mo ang isang army, bigyan mo ng pagtatakasan. Huwag idiin masyado ang isang desperadong kaaway.

37. Ito ang kasanayan sa digmaan.

Irineo B. R. Salazar, München, 1. July 2015


Viewing all articles
Browse latest Browse all 264

Trending Articles